May ilaw na sumulpot sa utak ko.


posted by Kath Gold

No comments

May mga bagay na sadyang hindi para sayo.


Mga pangarap na hanggang pangarap na lang.



May mga bituing hindi mo masisilayan.
Mga lamok na hindi mo kayang patayin.
Mga pintong hindi mo maisara.
At mga lapis na walang tinta.

Sabi nila (sinong nila?), walang imposible sa taong determinado at nagsusumikap. Siguro nga. Napakadali nga lang ng buhay. Ginagawa lang komplikado ng sarili mong kahinaan.

Ang mga bituin, lumabas ka ng bahay para iyong masilayan.


Ang mga lamok, ipitin mo ng iyong mga palad para mamatay.



Ang pinto, ipinid mo para iyong maisara.



At ang lapis, tandaang mong hindi kailangan ng tinta.

Leave a Reply